Para sa Ating Ina

Published on by jember86

Ang tanging masasabi ko sa iyo aking Ina/MaMa ay MARAMING MARAMI SALAMAT sa pagbigay sa akin o sa amin ng maayos at magandang BUHAY at sa Pagmamahal mo. Simula pa noong ako’y nasa loob ng tiyan mo, ramdam ko na ang iyong pagmamahal na walang hangganan at ang pag aalaga mo sa akin osa amin!. Buong puso kong tatanawin at pagkatandaan ang binigay mong Pagaalaga at Pagmamahal.

Ang ating Ina ang ilaw ng tahanan at katuwang ng ating ama sa pagaalaga o pagbigay sa atin ng magandang kinabukasan, sila ang gumabay sa atin kahit nasa loob pa lang tayo ng kanilang tiyan, sila din ang nagturo sa atin magsalita,maglakad at etc....

Sabi nga nila.. Ang ating mga magulang na babae kahit anong gawin o nasaan man tayo, ang kanilang pagmamahal sa atin ay walang hanggan., Di nila kayang makita tayong nasasaktan o nalulungkot man, konting sugat o kapag tayo ay nagkakasakit sila ay natataranta o di alam ang kanilang gagawin!

Di man nila pinapakita o pinaparamdam sa atin na nahihirapan o nasasaktan sila(ayaw nila makita natin na nahihirapan sila dahil ayaw nila tayo makitang nasasaktan ng dahil sa kanila kaya tinitiis na lang nila yung hirap at sakit na kanilang nararamdaman).

Wag natin sila basta basta sagutin o pagsabihan ng anumang sama ng loob mo, kasi kung hindi sa ating mga INA wala tayo dito sa mundong ito!. Kaya nilang ibuwis ang kanilang buhay alang alang sa kanilang mga anak!, Ganyan ang kanilang pagmamahal sa atin na mga anak nila!

Kaya lagi nating tandaan..........

Ang mga magulang kahit anu pa mang galit o sama ng loob nila sa atin, ang tanging nasa isip nila ay mabigyan tayo ng maayos at magandang kinabukasan.

MAHALIN at PAGKAINGATAN natin sila ng walang pagsisisi sa ating kalooban! Ang haplos, yakap at halik sa atin ng ating mga magulang na babae ay walang kapantay na kahit anu pa man.

Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
Para sa Ating Ina
To be informed of the latest articles, subscribe:
Comment on this post

perakpoker 03/06/2021 06:37

nice you blog bro

Instagram fonts 01/30/2021 09:24

It's so cute.