Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )

Published on by jember86

Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )
Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )
Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )
Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )
Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )
Falling In Love ( sa Maling Tao at Panahon )

Para sa akin isa ito sa pinaka mahirap/masakit na mararamdaman ng isang tao na nagmahal o nagmamahal kahit alam nyang never sya magugustuhan ng kanyang mahal, mahirap ipilit ang sarili sa taong ayaw o di ka gusto. Hindi mo naman kasi pwedeng utusan ang puso na yung taong gusto mo ay magustuhan ka rin. Dahil ang puso may sariling isip yan! Kusa nalang titibok kung minsan sa maling tao pa at hindi mo masasabi kung kelan, saan at kanino. Hindi mo rin ito pwedeng pigilan dahil habang pinipigilan mo ay lalong tumitindi, masakit malaman o makita yung taong mahal mo ay may mahal nang iba, at ang tingin lang nya sayo ay isang kaibigan!

Kung ayaw sa atin ng taong gusto/mahal natin ay wag natin pilitin kasi mas masakit yung pinilt nating kunin sya pero yung puso nya ay nasa iba( kasama mo nga sya pero hindi ikaw ang mahal nya ). Masakit man kailangan nating tanggapin at palayain yung taong mahal natin, kung sa iba sya liligaya/masaya maging masaya tayo para sa kanya., Darating din ang panahon na yung sakit na nararamdaman natin ay mawawala/maghihilom.

Wag tayo magpakatanga sa taong hindi tayo magugustuhan kailaman! Dahil kung talagang mahal/gusto tayo ng taong gusto/mahal natin hindi nya tayo hahayaang masaktan nang dahil sa kanya.

Ma swerte ka kapag yung taong gusto mo ay gusto ka rin,marami man kayo napapagdaanan pero sabay nyong hinaharap at nilalabanan yon! kaya sa mga taong natatagpuan na nila ang tunay na pagibig ay pagkaingatan nyo dahil marami sa atin ang nagmamahal ng palihim at nasasaktan, dahil yung mga taong gusto/mahal nila ay iba ang gusto.

Masarap magmahal o iparamdam ang tunay na pagibig sa tamang tao at sa taong ganoon din ang nararamdaman para sayo.'' Dahil ang tunay na pagibig kahit masakit man papalayain nya ang taong mahal/minamahal nya at tatanggapin na yung taong mahal nya ay magiging masaya sa iba''.

Sa mga nagmamahal :

Hindi kasalanan ng mga minamahal natin na hindi tayo gusto o di nila kayang ibigay/suklian yung pagmamahal na binibigay natin sa kanila, dahil kahit anong pilit nilang mahalin tayo ay di nila magawa. Ang tanging kasalanan lang nila ay kapag pinaglaruan ang ating damdamin o pinaasa lang tayo.

Sa mga minamahal:

Kung di man natin gusto/mahal ang isang nagmamahal sa atin hanggat maaga pa ay sabihin na kung di mo man kayang ibigay yung pagmamahal na inaasahan ng taong nagmamahal sa atin. Magpakatotoo ka sa sarili mo at sa kanya,hindi porket mahal tayo ng taong yon ay paglalaruan natin ang kanilang damdamin! dahil sa mga nagmamahal s atin ay may handang sumalo sa kanila. Maswerte ka kasi ikaw ang napili nya!

Wag tayo maging makasarili kung dahil lang sa "PAGIBIG''... ang tunay na nagmamahal at minamahal ay totoo sila sa kanilang mga sarili at di nila kayang makasakit ng iba lalo pa kung sobrang lapit sa puso nila yung taong kanilang nasasaktan!!!

Published on About Love

To be informed of the latest articles, subscribe:
Comment on this post