KAIBIGAN LANG PALA

Published on by jember86

KAIBIGAN LANG PALA





Yan ang pinakamasakit na itatawag sayo ng taong mahal mo.

alam naman nating hindi mali ang magmahal.

pero nagiging mali na to kung sa maling tao mo ipaparamdam.

lahat naman tayo nagmamahal diba?

pero mukhang sa maling tao mo pa yata naramdaman yun.

yun bang mahal mo na siya.

pero kailangan mong itago.

kasi alam mong hindi tama.

oo nga mahal mo na siya.

pero di pwede kasi alam mong may mahal na siyang iba.

minsan gusto mo ng sabihin sa kanya.

pero sino ba ang magmumukhang tanga?

sino ba ang masasaktan? diba ikaw din ?

kaya minsan dadaanin mo na lang sa biro

yung tipong tatawa o ngingiti lang siya sa biro mo.

pero deep inside mo sobrang sakit.

kasi kaylangan mong idaan sa biro.

ang seryosong nararamdaman mo sa kanya.

nandyan din yung time na kailangan mong umiwas.

pero ang tanong kaya mo ba?

alam mo din namang balewala ka lang pag magkasama sila.

minsan din pag magkasama kayo at sobrang masaya niya.

akala mo ikaw na yung dahilan ng ngiting yun!

mapapahiya ka na lang

pag nagkwento na siya tungkol sa mahal niya.

diba ang sakit mag assume?

di naman kasi talaga maiiwasan yun.

lalo na kung sa kanya mo nakita yung katangiang hinahanap mo.

pero mukhang pangarap na lang yun.

kasi nga sa ibang tao niya din nakita yun.

wala ka naman masabihan ng nararamdaman mo.

kasi alam mong pagtatawanan ka lang.

parang ipinagkalat mo na ding tanga ka talaga.

minsan nga mapapaisip ka nalang.

na sana ikaw yung minahal niya.

edi ikaw sana yung nilalambing niya.



pero hindi eh.

may mahal na siyang iba.

mas mabuti pa nga na pairalin na lang yung katangahan natin.

yun bang nanaisin mong maghintay.

hanggang sa maghiwalay sila,

pero wala talagang kasiguraduhan.

kung kaylan o kung maghihiwalay pa ba sila.

pero dadating din yung oras na alam mong hinihintay mo din.

yung bang magkakalabuan sila at ikaw ang tatawagin niya.

pero ang talagang masakit dun.

sayo pa siya hihingi ng tulong para magkaayos sila.

diba ang sakit.



kasi yung taong iniingatan at minamahal mo.

pinapaiyak at sinasaktan lang ng taong mas mahal niya at pinili niya.



mas gugustuhin mo na lang sabihin na.



"Sana ako nalang yung minahal mo"

"kasi mahal na mahal kita"



tapos ngingiti na siya at sasabihing



"Mahal din naman kita eh"

"Pero sorry friend" "talagang mas mahal ko siya"

P.S

Para ito sa taong minamahal ko ng totoo ngayon... actually kaibigan ko lang sya sa fb pero kilala ko sya at kilala rin nya ako matagal na, pero di kami close.. sinasakyan din lang nya yung mga biro pero ang totoo di nya ako gusto! siguro kahit sa pagiging magkaibigan di nya ako magugustuhan., Hmmm... bakit ko alam?!... Sa totoo lang madali nman malaman kung ayaw talaga sayo ng isang tao o yung napipilitan o yung nakikisakay lang sya para di ka mapahiya,malalaman mo yun sa pamamagitan ng '' PAKIRAMDAM " . Mararamdaman mo yun ng kusa! Di ko sya masisisi kasi di naman nya ako pinilit na magustuhan omahalin sya... Kusa kong naramdaman ito para sa kanya na di ko alam kung BAKIT o KAILAN NAGUMPISA?! ang tanging alam ko nasasaktan ako kapag may kasama syang iba, kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko parasa kanya walang nangyayari.. lalo pa lumalala!

'' Hindi man tayo para sa isa`t isa

atleast, dumating yung araw na sumaya ako

nung nakilala kita, at sumaya ka din nung makilala mo ko''

KAIBIGAN LANG PALA

Published on love

To be informed of the latest articles, subscribe:
Comment on this post