Maling Pagmamahal

Published on by jember86

Maling Pagmamahal
Maling Pagmamahal
Maling Pagmamahal
Maling Pagmamahal
Maling Pagmamahal

Bakit kaya ang isang tao ay pumapasok sa isang relasyon pero di nya kayang panindigan ito?

Isa ito sa pala isipan ko... Bakit nga ba?!

- Kung di man natin kayang makipagrelasyon sa isang tao lang, wag tayo papasok sa isang relasyon na di natin sigurado. Marami kasi sa atin na makikipagrelasyon pero naghahanap pa ng iba o may karelasyon pang iba!

Hindi sapat na dahilan yung dahil ang karelasyon mo ay ''walang panahon sayo o niloloko ka rin''. Hindi din magandang dahilan yung sasabihin mong '' NAGAWA MO YON DAHIL SYA ANG NAUNANG MANLOKO O NAWALAN NG ORAS SAYO''.

Sa totoo lang di sapat na dahilan yung mga yon...... kung aayaw ka man sa isang relasyon na di dahil may karelasyon ka, ay magagawa o mapipigilan mo yon! tayo gumagawa ng ika kasira ng buhay mo at hindi ang ibang tao. Kung sa tingin mong wala nang pakikitunguhan ang relasyon nyo... magusap kayo ng karelasyon mo at sabihin mo yung nakikita at nararamdaman mo na di tama at kung sa tingin nyong di nyo na maaayos ang inyong relasyon, doon kayo magdesisyon na maghiwalay. Hindi yung niloloko nyo yung isa't isa at di nyo lang alam na pati sarili ay niloloko
nyo!

Kung makikipag relasyon tayo sa isang tao ay siguraduhin natin yung feelings na nararamdaman natin para sa kanya, hindi yung dahil maganda/gwapo o seksi/macho o matalino. Wala yon doon.... ang dapat bago tayo pumasok sa isang relasyon ay alam na natin at matatanggap sya sa ating sarili kahit makita natin ang kanyang " GOOD or BAD side''.

Madaling magsabi na mahal natin ang isa't isa pero mahirap ipakita o ipadama ito dahil kusa mo yon mararamdaman sa isang taong iniibig mo.


Wag tayo gagawa ng mga bagay bagay na di naman natin kayang panindigan lalo na sa isang relasyon dahil parehas lang kayo masasaktan.

Wag na wag kang magsasabi ng " i Love you '' sa karelasyon mo kung ikaw man ay may ginagawa na di maganda dahil ang I LOVE YOU ay napaka importante ito!

Published on Love, Sadness

To be informed of the latest articles, subscribe:
Comment on this post